Prose

Bisikleta.

Sabi nila, masarap sumakay sa bisikleta. Dadalhin ka nito sa mga lugar na hindi mo inaasahang mararating mo. Di ako marunong sumakay ng bisikleta kasi takot akong mahulog. Sabi nila masakit daw kasi sumemplang. Nung nakilala kita, parang kinain ko lahat ng sinabi ko. Nung nakilala kita, para akong engot na nagtapang tapangan kasi alam ko na kahit may posibilidad na mahulog ako sayo at tapos ay masaktan, alam ko na magiging masaya parin ako. Sa unang padyak ng ating pagkakaibigan, parang di natin alam ang patutunguhan natin. Pakapa kapa pa tayo sa kung ano ang ugali ng isa’t isa. Sinusubukan kung may patutunguhan nga ba ang ating pagkakaibigan. Nang malaman na natin na kahit papano ay kaya naman pala, sinundan ito ng pangalawa, pangatlo at pangapat na padyak. Onti-unti na tayong nagkakaron ng direction sa ating relasyon. Onti onti  nang nawawala ang takot ko na mahulog. Na sumemplang. Pagkatapos ng ilang padyak sigurado na ako na gusto ko ito. Na gusto ko sayo. Hindi ko na nais pang isipin pa kung mahuhulog ba ako o masasaktan din ba. Ang alam ko lang… Masaya ako. Gusto ko to. Gusto kita. Kailangan ko ngayon malaman kung pano magbalanse. Pano ko ngayon pagbabalansehin ang aking oras sa iyo, sa pamilya ko at sa trabaho ko. Kahit na mahirap, alam ko matututunan ko rin ito. Pag natuto kasi ako magbalanse, alam ko na mas malayo ang mararating ko. Ang mararating natin. Nang unti onti akong natututong magbalanse, nararamdaman ko na ang galak na sinasabi ng mga marunong magbisekleta. Oo nga no. Totoo pala yun. Masarap pala sa pakiramdam ang sumakay ng bisikleta. Masarap pala kasi kasama kita. Ang dami nating narating. Andiyan ka kapag nasa oras ako ng tag-lamig, tag-ulan o tag-araw. Alam mo lahat ng mga paborito kong lugar na puntahan at mga lugar na kainan. Ang masarap pa dito, sa bawat pag padyak ko. Sa bawat pag padyak natin ay bumibilis ang tibok ng puso ko. Ikaw lang ang nakapagpabilis sa tibok ng puso ko ng ganto. Dahil dito, ayoko ng bumaba pa sa biyaheng ito. Ayoko nang tumigil sa pagpadyak at pagbalanse. Alam ko na mahihirapan ako pero kung ikaw ang kasama ko, alam ko na lahat ng pagod ko ay mapapawi.

Gusto kong magpasalamat sayo kasi tinuruan mo kong pumadyak. Gusto kong magpasalamat sayo kasi tinuruan mo kong magbalanse. Gusto kong magpasalamat sayo kasi tinuruan mo kong magbisikleta. Pero… Kagaya ng kinatatakotan ko, ako, ay nahulog. Ito na nga ba ang kinakatakutan ko eh. Sabi nila delikado daw. Dapat nakinig nalang ako sa kanila. Sabi nila masakit daw eh. Pero di ako nakinig kasi nagmatigas ako. Hindi ako nakinig kasi alam ko bawat pagpadyak ko ay sulit basta ikaw ang kasama ko sa biyaheng ito. Bakit? Bakit mo ako hinayaang mahulog? Bakit hindi mo ko tinulungan sa pagpadyak? Bakit hinayaan mo na mawalan ako ng balanse at sumemplang nalang basta basta? Bakit mo ako iniwan sa ere? Bakit mo ako iniwan? Bakit mo hinayaang masugatan ako kahit alam mong ito ang pinakakinakatakotan ko? Bakit mo hinayaan mangyari to? Bakit mo ko pinabayaan? Bakit?

Hindi ko man malaman ang mga sagot sa mga tanong na ‘yan, isa lang ang alam ko. Kahit masakit ang pagsemplang ko, kahit masakit ang pag-iwan mo, nag-iwan ka naman ng mga ala-alang hinding hindi ko makakalimutan. Dahil sayo nawala ang takot ko. Dahil sayo nakarating ako sa mga lugar na hindi ko lubos aakalain at dahil sayo…. Dahil sayo.. Natuto akong magmahal. Kaya kahit masakit, alam ko na bawat pagpadyak ay sulit na sulit, basta ba para sayo.

Advertisements
Standard

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s